-- Advertisements --
image 319

Ninanais ng Pilipinas at Ethiopia na isulong ang kanilang ugnayan sa pamamagitan ng pagbuo ng mga posibleng pakikipagtulungan sa iba’t ibang larangan, kabilang ang trade, technology at ang air linkages.

Ito ay nabuo matapos iharap ni Ethiopian Ambassador Dessie Dalkie Dukamo ang kanyang mga credential kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Palasyo ng Malacañang.

Sinabi ni Dukamo kay Marcos na maaaring tuklasin ng Pilipinas at Ethiopia ang kooperasyon sa kalakalan, paglipat ng teknolohiya at iba pang palitan ng ugnayan.

Sinabi niya na ang mga negosyante sa Pilipinas ay maaaring isaalang-alang ang pamumuhunan sa industriyal na lugar ng Ethiopia, at idinagdag na maaari nilang ibahagi ang kanilang kadalubhasaan sa pagmamanupaktura, lalo na sa electronics.

Ang Ethiopia, ayon kay Dukamo, ay hindi lamang isang malaking bansa sa Africa kundi nagsisilbi rin bilang isang gateway sa kanilang rehiyon.

Nagpahayag din si Dukamo ng kumpiyansa tungkol sa posibleng pagtatatag ng air linkages sa pagitan ng Ethiopia at Pilipinas upang palakasin ang kanilang bilateral cooperation sa iba’t ibang larangan.

Sumang-ayon naman si Pangulong Ferdinan Bongbong Marcos Jr. na dapat itaas ng dalawang bansa ang kanilang ugnayan.

Una na rito, pormal na itinatag ng Pilipinas at Ethiopia ang relasyong diplomatiko noong Pebrero 7, 1977.