Naghahanda ng isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Pilipinas para magtatag ng digital cooperation sa Estonia.
Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy kay Estonian Prime Minister Kaja Kallas na ang Pilipinas ay kasalukuyang gumagawa ng isang MOU, partikular sa e-governance at cybersecurity.
Ayon kay Uy, ang iminungkahing MOU sa pagitan ng Pilipinas at Estonia ay magbibigay daan para sa mga hinaharap na kasunduan sa iba pang larangan ng Information and communication technology.
Gayundin na susuportahan ang digital transformation ng gobyerno, at pagandahin ang cybersecurity posture ng bansa.
Sinabi ng DICT na tumugon si Kallas sa panukalang ito sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kanyang pag-asam para sa paglagda ng MOU na maglalatag ng balangkas para sa hinaharap na pakikipagtulungan ng dalawang bansa.
Binigyang-diin din ni Uy ang intensyon ng Pilipinas na bumuo ng mga polisiya sa artificial intelligence (AI) at iba pang frontier technologies.
Nagpahayag din siya ng interes sa pag-obserba kung paano bumubuo ang European Commission ng mga katulad na patakaran na may kaugnayan ukol sa makabagong teknolohiya.