-- Advertisements --
image 598

Nagkasundo ang Pilipinas at China na tumalima sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at pagtitiyak sa kapayapaan at stablidad sa Indo-Pacific sa gitna ng ginagawang hakbang ng dalawang bansa para maayos ang maritime dispute.

Ito ay kasunod ng katatapos na 7th Meeting of the Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea(BCM) ng matataas na diplomats sa dalawang bansa na nangako ng commitment kaugnay sa usapin sa West Philippine Sea.

Sa ilalim kasi ng United Nations Convention on the Law of the Sea, ang exclusive economic zone (EEZ) ng bansa ay may lawak na hanggang 200 nautical miles mula sa baybayin kung saan ang isang coastal state ay mayroong karapatan na i-explore t i-exploit ito at may responsibilidad para ito ay pangalagaan pareho ang living at non-living resources.

Ito rin ang naging basehan ng 2016 Arbitral ruling na naging pabor sa Pilipinas sa pag-angkin nito sa West Philippine Sea na bahagi ng karagatan ng China.

Ibinunyag din ng Department of Foreign Affairs na kapwa natalakay ng dalawang bansa ang mga paraan para sa pagpapaigting pa ng practical maritime cooperation gaya ng pag-revisit sa 2016 Memorandum of Understanding on Establishing the Joint Coast Guard Committee at pag-convene ng Annual Defense Security Talks.

Natalakay din ang bagong mga inisyatibo gaya ng pagsasanay at capacity building sa aquaculture at marine environment cooperation kabilang na dito ang napagkasunduang pag-convene ng iba pang bilateral mechanisms kabilang ang Joint Committee on Fisheries.