Lumagda na sa isang kasunduan ang Pilipinas at Canada na nagpapahintulot sa naturan North American country para tulungan ang ating bansa na imonitor ang coastal waters at high seas gamit ang Canadian satellite surveillance program ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Gumagamit ang naturang programa ng satellite technology para matunton at matrack ang mga barko na iligal na nangingisda saan mang lugar kahit pa patayin ng mga ito ang kanilang location transmitting devices para lamang makaiwas sa monitoring at surveillance.
Maliban dito, makakatulong din ang programa para makakuha ng scientific data kaugnay sa lawak ng kanilang sakop na teritoryo at continental shelf.
Iniulat naman ng PCG na siyang nagsasagawa ng nagpapatrolya sa West PH Sea na marami aniyang mga barko kabilang ang Chinese Coast Guard vessels at militia vessels ang madalas na nagpapatay ng kanilang location transmitting devices.
Inihayag naman ni Canadian Foreign Minister Melanie Joly na committed ang Canada na tuilungan ang PH sa pagdepensa ng sovereign rights nito sa pinagtatalunang karagatanat paglaban sa iligal na pangingisda.