Nakipagpulong si DFA Sec. Enrique Manalo sa opisyal ng Argentina upang talakayin ang posibilidad ng pakikipagtulungan sa agriculture, energy at ang mga usapin sa science.
Tinalakay ni Manalo kay Argentinian Minister for Foreign Affairs, International Trade and Worship Santiago Andres Cafiero ang nasabing mga usapin kasabay ng kanilang ika-75 taon ng diplomatikong relasyon.
Ayon sa DFA, kabilang sa mga tinalakay ng dalwang diplomats ay ang posibilidad ng pag-angkat ng Pilipinas ng bigas mula sa Argentina; nuclear at renewable energy cooperation; at partnership on space, science and pathology.
Binanggit din nina Manalo at Cafiero ang positibong pag-unlad sa bilateral na kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng dalawang bansa at kinilala ang iba pang potensyal para sa pagtaas ng kalakalan ng Ph at Argentina.
Ito ay kasunod ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa ay umabot sa $674 million sa pagtatapos ng 2022, mula sa average na $400 million mula sa mga nakaraang taon.
Itinulak din ng dalawang diplomat na pahusayin ang ugnayan sa multilateral arena, tulad ng UN at South-South Cooperation.
Una na rito, ang Pilipinas at Argentina ay nagkakaisa sa kanilang walang patid na suporta para sa papel ng multilateralism sa pagsusulong ng positibong pagbabago sa pandaigdigang konteksto.