Pinakilos na rin ng Philippine Army ang kanilang humanitarian assitance and disaster response (HADR) teams at equipments para tumulong sa mga lugar na apektado ng Sever Tropical Storm Florita.
Ayon kay Army spokesperson Col. Xerxes Trinidad, nag-deploy na ang 501st Infantry Brigade ng kanilang HADR teams at equipemnt sa bayan ng Lal-lo, Lasam at rizal sa Cagayan province at sa Flora town, Apayao.
Ang 77th Infantry Battalion at 17th Infantry Battalion ay naka-standby na rin sa bayan ng Alcala, Baggao, Gatttran at Santa Terisita sa probisniya ng Cagayan.
Pinakilos na rin ang 502nd Infantry Brigade, 5 Infantry Division ang humanitarian assistance and disaster response teams sa bayan ng Echague, Isabela habang nakahanda naman para umasiste ang response teams ng 86th Infantry Battalion at 95th Infantry Battalion sa bayan ng Jones at San Mariano at City ng Ilagan sa Isabela.
Nakadeploy na rin sa Kalinga province ang response teams sa 503rd Infantry Brigade at line units nito.
Nakaalerto na din ang reserve units sa rehiyon.