-- Advertisements --

Pinabulaanan ng Philippine army ang claim ng Communist Party of the Philippines (CPP) na binihag, ti-norture at pinatay umano ang 5 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Bilar, Bohol.

Ayon kay PH Army spokesperson Col. Louie Dema-Ala lehitimo ang ikinasang joit operations ng kapulisan at militar.

Kung sa palagay umano ng grupo na masaccre ang nangyari, bukas ang panig ng militar para sa anumang imbestigasyon.

Matatandaan, una ng sinabi ni CPP spokesperson Marco Valbuena na buhay pa ng nadakip at dinala sa kustodiya sina Domingo Compoc, Hannah Cesista, Parlito Historia, Marlon Omosura at Alberto Sancho.

Sinabi din niya na walang katotohanan ang umano’y kasinungalingang pinapakalat ng pulisya na namatay sa engkwentro ang 5 NPA fighters.

Saad pa nito na magpapatunay ang mga lokal na residente na walang engkwentrong nangyari.

Una rito, ayon sa militar, nangyari ang engkwentro noong Pebrero 23 sa Sitio Matin-ao 2, Barangay Campagao sa Bohol na nagresulta din sa pagkasawi ng isang police officer.

Ito ay sa gitna ng nagpapatuloy na pag-uusap para maipagpatuloy ang peace negotiations sa pagitan ng communist insurgents at gobyerno ng PH.

Base sa datos noong Disyembre 2023, bumaba na sa 1,500 ang fighters ng NPA , malayo na mula sa peak nito na 25,000 noong 1987.