-- Advertisements --

Tuluyan lumagpas sa kapasidad na pasyente para sa COVID-19 ang Philippine General Hospital.

Ayon kay PGH spokesman Dr. Jonas del Rosario, mayroon lamang 210 hospital beds ang kanilang pasilidad, ngunit 215 na ang naka-confine na pasyente.

Maliban sa mga ito, may 40 pang nasa waiting list ng PGH.

Lumalabas sa kanilang record na 45 sa mga nagpositibo ay health care personnel.

Inamin din ni Del Rosario na isa sa naging dahilan ng mabilis na pagkapuno ng kanilang bed capacity ang pagbuhos ng walk-in patients mula sa mga kalapit na lugar sa lungsod ng Maynila.