-- Advertisements --

Hinimok ng Philippine General Hospital (PGH) ang mga COVID-19 survivors na mag-donate ng kanilang convalescent plasma para makatulong sa posibleng recovery ng mga pasyenteng nahawa sa naturang sakit.

Ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario, kakaunti na lamang ang kanilang supply ng convalescent plasma na ginagamit para sa isinasagawang clinical trial dito bilang treatment sa COVID-19.

Umaasa si Rosario na tutugon sa kanilang panawagan ang maraming mga survivors ng COVID-19 para makatulong na rin sa mga nahawa sa sakit,

Ang nangyayari sa ngayon, ayon kay Rosario, ay may mga survivors na ayaw nang bumalik sa ospital dahil sa pangamba na mahawa ulit sa virus.

Pero nilinaw nito na ang blood donation ay isasagawa naman sa isang pribadong lugar at hindi mismo sa ospital.

Para sa mga nais na mag-donate, sinabi ni Rosario na maaring tawagan ang PGH sa hotline number na 155-200.