Pinapadalo ng Senate Impeachment Court si Vice President Sara Duterte sa pagsisimula ng trial laban sa kaniya sa Lunes, July 6, 2026.
Kung hindi man ang mismong bise presidente, maaaring kumatawan sa kaniya ang kaniyang legal team.
Sa imbitasyon na ipinadala ng naturang korte sa pangalawang pangulo ngayong araw (July 3), pinapadalo ang mga ito sa pagsisimula ng trial na nakatakdang magbukas, ganap na alas-2 ng hapon.
Gaganapin ito sa Session Hall ng Senado sa Pasay City.
Inaatasan din ang pangalawang pangulo na sumunod sa lahat ng kautusan, direktiba, at magiging pasya ng Senado alinsunod sa Konstitusyon at umiiral na mga batas.
Bagaman tiniyak ng legal team ng pangalawang pangulo ang kahandaan nilang humarap sa paglilitis, sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon kung personal na dadalo si VP Sara sa nabanggit na araw.














