Binuksan ni Iloilo Rep. Lorenz Defensor ang presentasyon ng prosecution panel para sa Article IV (Grave Threats) sa ikalawang araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Binigyang-diin ni Defensor na ang mga public official na nagbabanta sa mga state institutions ay ‘unfit’ para humawak ng anumang opisina o katungkulan.
Kinuwestyun din ni Defensor kung ang mga public official na sunod-sunod na pinagbabantaan ang mga state institution ay fit para humawak ng opisina, dahil ang kanilang ginagawa ay otomatiko nang maituturing bilang betrayal of public trust.
Inihalintulad ng Iloilo lawmaker ang mga pagbabanta ni VP Sara laban sa First Family sa umano’y malawak na ‘culture of violence’ na nagaganap sa bansa, kabilang na ang mga pamamaril sa mga eskwelahan.
Iginiit ni Defensor na ang pagbabanta ni Duterte na kumuha ng assassin para patayin ang grupo ni Pang. Marcos kung sakaling may mangyari sa kaniya ay pawang mga nakababahala, seryoso, at intentional statements at hindi lamang mga biro.
Dapat lamang aniyang mapanagot si VP Sara dahil dito.
















