-- Advertisements --

Muling nahalal sa FIFA Council sa terminong 2023-2027 si Philippine Football Federation (PFF) President Mariano “Nonong” Araneta.

Sa ginanap na botoah kasabay ng 33rd AFC Congress sa Bahrain, nakakuha si Araneta ng 34 na boto na mas higit pa sa 23 na boto na dapat makuha sa halalan.

Kasabay din nito ay nahalal muli si AFC President Shaikh Salman bin Ebrahim Al Khalifa na maninilbihan mula 2023-2027.

Pinasalamatan ni Araneta ang nakasama nito sa FIFA dahil sa tiwala nila sa kaniya at mabigyan ng pagkakataon na muling manilbihan.