-- Advertisements --
Itinanggi ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang naging ulat ng Fiscal Incentive Review Board (FIRB) na bigo umano sila sa pagbantay ng pagpasok ng mga actual investments mula ng ipatupad ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE).
Sinabi ni PEZA Director General Charito “Ching” Plaza, na ang ulat aniya ng FIRB ay mali at misleading.
Tiwala aniya sila na kanilang ginagawa ang kanilang trabaho na napapaloob sa CREATE Act.
Mula noong Abril 2021 at Mayo 2022 ay mayroong 128 projects/ activities mula sa CREATE Act pero 18 sa mga dito o 14% sa nasabing proyekto ang nagsimula na ang kanilang commercial operations.










