-- Advertisements --

Positibo ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang mas marami pang investment mula sa Estados Unidos ang papasok sa Pilipinas ngayong taon.

Ito’y dahil na rin nakatakda ngayong buwan ang US Presidential Trade and Investment Mission na pamumunuan ng US Secretary of Commerce na si Gina Raimondo .

Ito ay gaganapin sa darating na Marso 11 hanggang 12 ng taong ito. 

Batay sa kasalukuyang datos ng PEZA, ang Estados Unidos ay ikalawa sa pinakamalaking dayuhang bansa na nag-iinvest sa mga economic zone na nasa ilalim ng kanilang ahensya.

Ito ay katumbas ng higit 14% ng mga registered business.

Ayon sa datos ng PEZA, ang US ay ang ikalawa sa pinakamalaking dayuhang bansa na nag-iinvest sa mga economic zone na nasa ilalim ng ahensya, na katumbas ng higit 14% ng mga registered business.

Samantala, maliban dito, may 355 US locator companies ang nasa mga economic zone ng PEZA at may kabuang investment portfolio na aabot sa higit ₱404-billion na nagreresulta sa bilyon-bilyong dolyar na halaga ng exports ng Pilipinas.  Kabilang pa riyan ang trabaho para sa higit 365,000 na mga Pilipino.

Kaugnay nito ay pinasalamatan naman ni PEZA Director General Tereso Panga ang U.S. dahil sa pagpapalakas nito ng ugnayan at marami pang investment nito sa bansa.

Kinilala rin ng PEZA ang papel ng U.S. sa semiconductor industry na nakasailalim sa CHIPS at Science Act of 2022 na nilagdaan mismo  ni US President Joe Biden.

Kung maaalala, taong 2022 ng makapagtala ang Pilipinas at Amerika ng kalakalan nito ng goods and services sa $36.1-billion .
Ito ay pumalo naman sa halagang $23.3-billion ang exports ng Pilipinas. (With reports from Bombo Victor Llantino)