-- Advertisements --

Tinamaan ng magnitude 7.8 na lindol ang Petropavlovsk-Kamchatsky region sa Russia.

Ayon sa US Geological Survey, na ang lindol ay may lalim na 10 kilometers na tumama dakong 2:58 am.

Dahil dito ay naglabas ng tsunami warning ang US National Weather Service’s Pacific Tsunami Warning Center sa Hawaii.

Pinawi naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng iba kung saan sinabi ng ahensiya na walang anumang tsunami warning.