-- Advertisements --
20210309 195953

Nagpasaklolo na sa Supreme Court (SC) ang mga petitioners at counsel ng kontrobersiyal na Anti Terrorism Act (ATA) of 2020 dahil umano sa patuloy na pag-atake sa hanay ng mga ito.

Isa raw dito ang pag-atake sa abogado ng National Union of People’s Lawyer (NUPL) na s Atty. Angel Guillen na isa sa mga petitioners ng Anti Terror Act.

Kasama rin dito ang miyembro ng NUPL na counsel din sa ATA na si Atty. Evalyn Ursua na umano’y ilang ulit na kinukuhanan mga larawan ng motorcycle-riding men ang kanilang bahay.

Maliban dito, nakakatanggap din umano ito ng suspicious phone calls sa mga hindi kilalang mga callers.

Pinakahuli naman ang pagkamatay ng siyam na katao na subject ng warrant of arrests sa Rizal, Laguna at Cavite.

Ang naturang mga personalidad ay miyembro rin umano ng mga grupong tutulo sa nasabing batas.

Dahil dito, nanawagan ang mga petitioners na kondenahin ng mga miyembro ng legal profession ang iba pang law groups ang patuloy na pag-atake laban sa mga abogado, huwes, mga petitioners at kanilang mga counsels.

Kabilang sa mga humirit para mag-isyu ang SC ng TRO ay sina retired SC Senior Associate Justice Antonio Carpio, retirede Ombudsman Conchita Carpio-Morales, dating Vice President Jejomar Binay at 62 ATA petitioners at lawyers.