-- Advertisements --
image 473

Inihain ang isang petisyon na humihiling sa Korte Suprema na ideklara ang Maharlika Investment Fund bilang unconstitutional at walang bisa.

Sa 56 na pahinang petition for certiorari at prohibition, hinamon ng mga petitioners ang legalidad ng MIF sa tatlong basehan.

Una, ayon sa mga petitioners, nabigo ang MIF na gawin ang test of economic viability na isa aniya sa mga limitasyong itinakda ng Konstitusyon para matiyak na hindi uraurada na lamang ginawa ng pamahalaan ang tungkulin nito nang walang basehan.

Inihayag din ng mga petitioner na nilabag ng MIF ang kasarinlan ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa ilalim ng Section 20, Article XII ng 1987 Constitution.

Tinukoy ng mga ito ang Section 6 ng MIF kung saan nakasaad na 100% ng kabuuang deklaradong dibidendo ng central bank ay iaambag sa MILF para sa una at ikalawang fiscal years nito.

Liban pa dito, inatasan din aniya ang Monetary Board na mag-ambag ng 100% ng kanilan dibidendo sa Maharlika Investment Corporation.

Pangatlo, ang pag-certify bilang urgent ng Pangulo sa MIF bill sa House of Representatives at sa Senado ay hindi tumatalima sa requirements sa ilalim ng Article IV, Scetion 26(2) ng 1987 Constitution.

Giit ng petitioners na wala sa mga requirements na nakasaad sa batas gaya ng pagkakaroon ng public calamity o emergency para ma-justify ang mabilis na pagpasa ng Maharlika Bill.

Kabilang sa mga petitioner ay sina Bayan Muna chairman Neri Colmenares, dating Bayan Muna Representatives Isagani Zarate at Ferdinand Gaite at Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III.