-- Advertisements --
Nagdeklara ng naitonwide state of emergency ang Peru dahil sa patuloy na madugong kilos protesta.
Nagbunsod ang kilos protesta mula ng patalsikin sa puwesto si dating Pangulong Pedro Castillo.
Aabot na sa pitong katao ang nasawi mula ng sumiklab ang kilos protesta noong nakaraang linggo.
Ang nasabing anunsyo ng nationwide state of emergency ay isinagawa matapos na ipag-utos ng korte na manatili sa kulungan si Castillo ng panibagong 48 oras.
Nahaharap kasi sa kasong rebellion at conspiracy si Castillo.
Ayon kay Defense Minister Alberto Otarola na ang 30-day state of emergency ay dahil sa nagaganap na kaguluhan at karahasan sa lugar.