-- Advertisements --
Idineklara ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pertussis outbreak sa kaniyang lungsod.
Kasunod ito sa pagtaas ng kaso ng nasabing sakit na karamihang mga dinapuan ay mga sanggol.
Ayon sa alkalde na mula noong Marso 20 ay nasa 23 ang naitala at mayroong apat na ang nasawi.
Pagtitiyak naman nito na gumagawa na ng hakbang ang lungsod para tuluyang masawata ang pagkalat ng pertussis o whooping cough.