-- Advertisements --

salceda7

Naniniwala si House Ways and Means at Albay Representative Joey Salceda na malaking tulong ang permanent appointment ni PEZA Director-General Tereso Panga para ma-stabilize ang mga sentimiyento ng mga investor na nahaharap sa ibat-ibang isyu.

Kabilang dito, ang usapin kaugnay sa paggalang sa cross-border doctrine na may kinalaman sa Value-Added Tax, pag-maximize sa mandato ng pag-promote ng mamumuhunan ng PEZA partikular manufacturing, at pagtugon sa mga isyung istruktura na nakakaapekto sa ating mga exporter, tulad ng mga gastos sa kuryente, paggawa, at logistik.

Inihayag ni Salceda ngayong permanente na sa pwesto si Panga, maaari ng magtrabaho nang may higit na katiyakan.

” I imagine PEZA taking on a more critical role in our logistics sector by building economic zones around our new international airports.

There is also a move towards integrated agri-industrial and agro-aqua-industrial zones, where PEZA expertise in attracting investors could play a key role,” pahayag ni Salceda.

Umaasa ang house tax chief na makakatrabaho nito ang PEZA para tugunan ang laganap at talamak na agricultural at excisable products smuggling.

Nakahanda din ang mambabatas na makatrabaho ang mga kasamahan sa Northern Alliance upang higpitan ang silong sa pagpupuslit ng tabako.

Ang PEZA, ay binigyan ng awtoridad ng pulisya pangasiwaan ang ecozone at may malaking papel sa paglaban sa smuggling sa langis, gulay, asukal, at iba pang pangunahing bilihin sa pamamagitan ng ecozones.

Binati naman ni Salceda si Panga sa kaniyang appointment.

” I expect that we will hear from the PEZA Director-General on his plans now that he has a more secure tenure in the agency, when session resumes in early May,” pahayag ni Salceda.