-- Advertisements --

Itinalaga bilang officer-in-charge ng Philippine National Police (PNP) si Police Lt. Gen. Emmanuel Peralta.

Ito ay sa kadahilanang natapos na ang termino General Benjamin Acorda bilang PNP chief.

Inilabas ang nasabing kautusan sa pamamagitan ng memorandum mula sa Office of the President na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Nakasaad pa sa memorandum na si Peralta na siyang deputy chief for administration ay mananatiling OIC hanggang makahanap ng kapalit o may maitalaga ang Office of the President.

Magugunitang noon pang Disyembre sana bumaba sa puwesto si Acorda noong ito ay nag-56 birthday bilang compulsary age retirement para sa PNP personnel subalit pinalawig ito ni Pangulong Ferdinand Marcos ng hanggang Marso 31.

Si Peralta ay miyembro ng Philippine Military Academy “Sambisig” class of 1991.

Nagsilbi siya bilang chief of directorial staff at sa Police Regional Office 1 sa Ilocos Region at sa Southern Police District of Metro Manila.

Ayon sa PNP na may mga ipapakilalang mga bagong programa si Peralta para mapaganda ang administrative at operational capabilities.