-- Advertisements --
Kinontra ng Pentagon ang naging pagbabanta ni US President Joe Biden na magkakaroon ng nuclear “Armageddon”.
Ito ay kapag pinabayaan si Russian President Vladimir Putin na gumamit ng nuclear weapons.
Ayon kay press secretary Brig. Gen. Pat Ryder na hindi na pa nila nakikita ang potensiyal na paggamit ni Putin ng kanilang nuclear weapon.
Naniniwala kasi ang US at mga kaalyado nilang bansa na ang paggamit ng nuclear weapon ay isang uri ng pagiging irresponsable.
Patuloy pa rin anila siniseryoso ang nasabing banta mula sa Russia.