-- Advertisements --
Malaki ang paniniwala ng Pentagon na isang drone mula sa Iran ang ginamit sa pag-atake sa Syria na ikinasawi ng isang US contractor at ikinasugat ng ibang mga sundalo.
Sinabi ni Pentagon Press Secretary Air Force Brig. Gen. Pat Ryder na ang ginawa nilang pagganti ay ginawa lamang nila ang nararapat.
Ang nasabing pag-atake sa mga US bases sa north-east Syria ay hindi na bago kaya patuloy din ang ginagawa nila ng pagganti laban sa mga Islamic Revolution Guard Corps (IRGC) ng Iran.
Pagtitiyak din nito na hindi sila titigil na masawata at tuluyang maibalik ang kapayapaan sa Syria