-- Advertisements --

Inaayos na ng Pentagon ang mga hotel rooms ng paglalagyan ng mga pinalikas na lulan ng USS Theodore Roosevelt na nadapuan ng coronavirus.

Ito ay matapos na humingi ng tulong ang kapitan ng barko dahil sa may mga nagpositibo sa virus na kanilang kasama.

Umaabot kasi sa 93 na ang nagpositibo sa 4,800 na lulan ng nasabing aircraft carriere.

Paglilinaw ni Rear Admiral John Menoni, commander ng Marianas region na mag-iiwan sila ng ibang tao para bantayan ang barko.