Inanunsyo na ng selection committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang walong official entries na mapapanood sa pinakaunang summer edition ng nasabing festival.
Batay sa impormasyon, ipapalabas sa mga sinehan nationwide ang naturang mga pelikula mula April 11 (Black Saturday) hanggang April 21 ngayong taon.
Ito’y mas maiksi lang ng tatlong araw, mula sa dalawang linggong inilaan sa taunang MMFF.
Narito ang mga nakapasok mula sa 24 na nagsumite ng entry:
- “A Hard Day” (Viva Communications, Inc.) ni Direk Lawrence Fajardo kung saan bida si Dingdong Dantes.
2. “Tagpuan” (Alternative Vision Cinema) ni Direk McArthur Alejandre na pinagbibidahan nina Alfred Vargas, Shaina Magdayao at Iza Calzado.
3. “Love The Way Ü Lie” (Tincan, Ten17P and Viva Films) ni Direk RC Delos Reyes na kinatatampukan nina Xian Lim at Alex Gonzaga.
4. “Isang Pang Bahaghari” (Heaven’s Best Entertainment) ni Direk Joel C. Lamangan kung saan tampok sina Philip “Ipe” Salvador at Nora Aunor o kilala rin bilang si Ate Guy.
5. “Love or Money” (ABS-CBN Film Productions, Inc.) ni Direk Mae Czarina Cruz-Alviar kung saan ang lead stars ay sina Coco Martin at Angelica Panganiban
6. “Coming Home” (Maverick Films) sa ilalim ng direksyon ni Adolfo Alix, Jr. at ang lead stars ay sina: Jinggoy Estrada, Martin Del Rosario, Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica, Sylvia Sanchez, Ara Arida, Shaira Diaz at Samantha Lopez
7. “Ngayon Kaya” (T-Rex Entertainment Production, Inc.) sa ilalim ng direksyon ni Direk Prime Cruz at ang lead stars ay sina: Paulo Avelino, John James Uy, Alwyn Uytingco, Janine Gutierrez, Rio Locsin, Donna Cariaga8
8. “The Missing” (Regal Entertainment, Inc.) ni Direk Easy Ferrer
Lead stars: Joseph Marco at Ritz Azul
Kung maaalala, ang Metro Manila Summer Film Festival ay panukala ni Senator “Bong” Go na isa sa bagong miyembro ng MMFF Executive Committee.