Nasilat ng New Orleans Pelicans ang Los Angeles Clippers, 105-101 sa ginanap na play-in para umusad din sila sa Western Conference bilang seeded No. 8.
Naiposte ng Pelicans ang come-from-behind win mula sa 13-point deficit sa fourth quarter.
Pero bago ito sa first half ay lumamang pa ng 16 points ang Pelicans pero nahabol ng Clippers.
Nanguna sa diskarte ng Pelicans sina Brandon Ingram na may 30 points, CJ McCollum na nagdagdag ng 19 points at si Larry Nance Jr. na nagtapos sa 14 points at 16 rebounds.
Dahil dito makakaharap ng New Orleans ang No. 1 seed na Phoenix Suns sa first round sa Game 1 sa Lunes.
Huling nakatuntong ang Pelicans sa playoffs ay noon pang 2017-18.
Kung maalala hindi rin nakalaro ngayong buong season sa New Orleans si Zion Williamson bunsod ng foot injury.
Masaklap naman ang pagkatalo ng Clippers dahil ang isa sa kanilang superstar na si Paul George ay tinamaan ng COVID-19 dahilan para isailalim siya sa health and safety protocols bago ang game.
Si Kawhi Leonard naman ay patuloy pa ring sumasailalim sa rehab bunsod ng ACL injury.