-- Advertisements --
Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) agents ang isang Korean national na wanted sa South Korea dahil sa kasong swindling.
Tinatayang aabot sa 200 million won ang nakulimbat ng suspek sa isang pekeng movie project noong 2013 hanggang 2015.
Ayon kay BI intelligence officer Bobby Raquepo, chief ng fugitive search unit (FSU), ang suspek na naaresto sa Brgy. Balibago, Angeles City sa Pampanga ay si Kim Woo, 38-anyos.
Sinabi ni Raquepo na si Kim ay nagtatago sa bansa halos isang taon na ang nakararaan at ikinokonsidera na itong undocumented alien matapos kanselahin ng Korean government ang kanyang pasaporte.