-- Advertisements --

Ibinasura ni incoming National Security Adviser Secretary Clarita Carlos ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Communist Party of the Philippines.

Binigyang-diin ni Carlos na napakatagal nang panahon na nagsasagawa ng peace talks subalit walang nangyayari.

Tapos na aniya ang panahon ng peace talks bagkus ay may mga ipinatutupad nang kasunduan o programa sa ground.

Mas makabubuti aniyang isama na lamang ang mga rebeldeng grupo sa pagpapatupad ng mga programang ito at patuloy silang iimbitahan ng gobyerno para sumali sa mga pagbabagong ito at hindi aniya yung puro na lang sila reklamo sa kalsada.

Binanatan din ni Carlos ang mga lider ng rebeldeng komunista sa pagsasabing wag na lang silang makialam dahil hindi naman talaga nila alam ang totoong sitwasyon ngayon sa bansa dahil nasa malayo at ibang lugar sa mundo sila nakatira.