-- Advertisements --

Ibinunyag ng Russia na hindi umuusad o walang anumang pagbabago ang isinusulong nilang usapang pangkapayapaan sa Ukraine.

Sinabi ni Kremlin spokesperson Dmitry Peskov na nagmamatigas pa rin ang mga Ukrainian military na ibigay sa kanila ang Azovstal steelworks.

Inakusahan pa nito ang Ukraine na sila ang walang ginagawa para lamang umusad ang nasabing pag-uusap.

Hindi rin aniya nila kinukuwestiyon kung ang mga fighters na umalis sa Azovstal steel plant sa Mariupol ay sumuko na.

Nauna ng iminungkahi ng Ukraine na magkaroon ng pakipagpalitan ng kanilang mga sundalo sa mga Russian prisoners.