-- Advertisements --

Nirerespeto ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan ang paglipat ng ilang mga mambabatas sa ibang partido.

Sinabi ni Surigao Del Norte 2nd District Rep. Johnny Pimentel na mula sa dating 65 na miyembro ng 19th Congress ay naging 15 na lamang ang naiwang miyembro ng PDP-LABAN.

Nagbunsod ang nasabing paglipat sa partido ng mga mambabatas matapos ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at PDP LABAn chairperson na ‘bulok’ umano ang kamara.

Ilan sa mga natitirang miyembro na lamang ng partido ay sina: Rep. Jose Alvarez na siyang PDP Laban president;Rep. Eric Martinez; Rep. Ara Kho; Rep. Richard Kho; Rep. Tonton Kho; Rep. Carl Cari; Rep. Joel Sacdalan; Rep. Rose Panotes; Rep. Dale Corvera; Rep. Khalid Dimaporo; Rep. Ysabel Zamora; Rep. Mitch Cajayon Uy; Rep. Divine Yu; Rep. Ruwel Gonzaga at si Rep. Pimentel..