-- Advertisements --

Hindi bababa sa 95 high value drug personalities ang matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Ang bilang na ito ay naitala ng ahensya sa loob lang ng isang linggong operasyon kontra sa ilegal na droga.

Mula sa naturang bilang , aabot sa 62 na tulak ng iligal na droga ang kanilang naaresto habang nasa anim naman ang sinasabing may-ari ng drug den.

Batay sa datos ng ahensya , aabot na sa ₱78.24-million na halaga ng droga na kanilang nakumpiska mula Mayo 16-23.

Kabilang sa mga lugar kung saan isinagawa ang 60 anti-drug operations ay mula sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Central Visayas, Caraga, Cordillera, at maging sa National Capital Region (NCR).

Pinasalamatan naman ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez ang mga pinuno ng kanilang Regional Offices dahil sa masugid nitong pagsasagawa ng operasyon kontra ilegal na droga.