Umaapela ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ikonsidera ang pagbabawas sa ipinapataw na documentary stamp tax sa kanilang mga gaming tickets lalo na ang lotto.
Ayon kay PCSO Chair Junie Cua malaki ang mababawas sa kanilang medical assistance program para sa indigent patients kung hindi matuloy ang pagbawas batay sa Comprehensive Tax Reform Package 4.
Batay kasi sa package 4 mula na inaprubahan ng House Ways and Means Committee, mula 20 percent ay gagawin na itong 10 percent.
Binigyang-diin ni Cua na kung noon aniya ay nakapagbibigay sila ng 500,000 hanggang 1 million pesos assistance ay bumaba na lang ito sa P20k hanggang P50k pesos.
Bunsod nito, hiniling ni Cua sa Committe on Appropriations ang suporta na repasuhin ang panukalang documentary tax stamp reduction upang hindi mabawasan ang kanilang pagkukunan ng kita at matiyak ang tuloy tuloy na pag papaabot ng tulong sa ibat ibang health programs para sa mga Pilipino.
Kung maaari pa aniya ay maibaba pa ito sa 5 percent.
Iniulat din ni Cua na sa unang quarter ng taon, umabot na sa P25.9 billion pesos ang kita ng PCSO.