Kung may “delicadeza” at nawalan na ng tiwala ang publiko dapat magbitiw na sa pwesto si PCSO General Manager Mel Robles kasunod ng iskandalong kinasangkutan ng ahensiya ang paglathala ng lawaran ng nanalo sa state lottery.
Ito ang binigyang-diin ni Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers.
Sinabi ni Barbers ang ginawa ni Robles na pasinungalingan ang umano’y mga rumors na ang ilan sa mga lottery draws ay hindi talaga napanalunan at ang mga na published na winners ay hindi totoo at gawa gawa lamang kung saan humantong pa ito sa paggamit ng AI technology ay nag resulta sa isang iskandalo.
Dagdag pa ng mambabatas na imbes pawiin ang alegasyon ay lalo pa itong lumaki gaya ng apoy.
Ang iskandalong kinahaharap ngayon ng PCSO ay inihalintulad ni Barbers sa isang magic show na itinanghal noong 90s na pinamagatang the Greatest Show on Earth kung saan ang mga tao at mga bagay ay ginawang mawala at muling lumitaw sa iba’t ibang bahagi ng teatro.
” The same reaction is achieved in our lotto shows that now rival that magic show in terms of the amazing acts being performed before our very eyes”, pahayag ni Barbers.
Sinabi ng mambabatas na walang anumang dahilan ang magiging sapat para patahimikin ang mga tao at ibalik ang kanilang tiwala sa fund raising state sponsored lottery na nagpopondo sa mga programang pangkalusugan at medikal sa buong bansa.
Ayon kay Barbers, ito ay isang kaso ng nabigo at mahinang screening at vetting na proseso ng mga appointees.
Hindi na rin ito ang unang beses na nasangkot sa iskandalo ang PCSO.
“It used to be that integrity, honesty, competence and knowledge of the job are the qualifications used in measuring firness of public officials. Now, a lot of agencies are in disarray due to incompetence of those at the helm. While the President continues to effect changes for the betterment of public service, this agency should be in his priority list. The people want officials with integrity”, pahayag ni Barbers.










