Boluntaryong susuko sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group(PNP-CIDG) si PCSCO Director Sandra Cam.
Ito ay matapos na maglabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 42 laban sa kanya, anak na si Marco Martin at limang iba pa kaugnay sa pagkamatay ni Batuaan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson noong 2019.
Iginiit ni Cam na inosente siya sa bintang laban sa kanya, at sinabi ring siya ay handang harapin ang kaso sa korte.
Nilinaw din nito na hindi siya nagtatago subalit bago pa man ang inisyung arrest warrant ni Manila RTC Judge Dinnah Aguila-Topacio ay may dalawang linggo na itong nakaconfine sa isang ospital sa Cavite dahil sa kanyang sakit sa kidney at diabetes.
Sa katunayan, sa susunod na linggo ay sasailalim siya sa isang operasyon sa kanyang lumbar spine, na ilang taon na niyang iniinda.
Naisumite na rin niya ang lahat ng kanyang medical records sa korte pati na rin sa PNP.