-- Advertisements --
Nakatutok ngayon si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil sa pagpapaigting sa paglaban sa mga fake news.
Sinabi nito na may mga nakalaang media literacy program ang kaniyang opisina para turuan ang publiko na maging mapanuri sa kanilang nababasa sa social media.
Aminado ito na mahirap labanan ang fake news subalit gagawin niya nila ang makakaya para tuluyan na itong masawata.
Maaring maimbitahan aniya nila ang mga iba’t-ibang social media giants para maiparating sa publiko kung paano malabanan ang paglaganap ng mga fake news.










