-- Advertisements --

Sa ulat, hinimatay ang naturang 25 taong gulang na lalaking PCG Trainee pagkatapos ng company run na bahagi ng week-long Summer Sports Fest 2024 ng Coast Guard Non-Officers’ Course Class 102-2023 sa Regional Training Center-Aurora, Barangay Mijares, Dipaculao, Aurora.

Agad na dinala ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan sa Baler, Aurora Kung saan siya binigyan ng kaukulang medical assistance ngunit kalauna’y inirekomenda rin ng doktor na ilipat sa mas malaking pagamutan sa Cabanatuan City Kung saan siya idineklarang wala nang buhay matapos magsagawa ng cardiopulmonary resuscitation.

Dahil sa insidenteng Ito ay agad na inatasan ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan ang Coast Guard Education Training and Doctrine Command at ang Coast Guard Inspector General and Internal Affairs Service na magsagawa ng komprehensibong imbestigasyon ukol dito.

Bukod ito ay ipinag-utos din niya na I-review ang mga existing rules, regulations, at mga guidelines na umiiral sa lahat ng mga PCG regional training centers upang tiyakin ang kalusugan at kapakanan ng mga trainees buong bansa.

Samantala, kasabay nito ay nagpahayag naman ng pakikiramay at pakikidalamhati si Admiral Gavan sa naulilang pamilya ng nasawing PCG trainee.