-- Advertisements --
Posibleng lalong kakapal pa ang bilang ng mga pasahero na magtutungo sa mga pantalan ilang araw bago ang Pasko.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) na nitong araw ng Miyerkules lamang ay nakapagtala na sila ng mahigit 56,000 na pasahero ang umuwi sa kanilang probinsiya.
Mayroong mahigit 2,000 na mga tauhan nila ang kanilang ipinakalat para matiyak ang seguridad ng mga pasahero.
Magugunitang noong Disyembre 16 ay nakalagay na sa heightened alert ang mga station at sub stations ng PCG para mag-alalay sa mga pasahero.