-- Advertisements --
PCG logo

Sinuspinde ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paglalakbay sa dagat para sa maliliit na sasakyang pandagat sa mga lalawigan ng Batangas, Marinduque, Oriental Mindoro, Romblon, at hilagang Quezon dahil sa maalon na kondisyon ng dagat na dala ng Bagyong Goring.

Ang advisory ng PCG ay matapos ang anunsyo ng mga awtoridad dahil sa malakas na hangin na inaasahang makaka apekto sa western at southern seaboards ng Southern Luzon.

Nangangahulugan ito na ang lahat ng biyahe ng mga sasakyang pandagat na may 250 gross tonnage o mas mababa, tulad ng motorized passenger boats o mga bangkang pangisda sa Batangas, Marinduque, Oriental Mindoro, Romblon, at hilagang Quezon , ay suspinido.

Aalisin ang suspension order at maaaring ipagpatuloy ang paglalakbay sa dagat para sa maliliit na sasakyang pandagat kapag pinahihintulutan ng lagay ng panahon o alon sa dagat.

Sa ngayon, pinapayuhan ng PCG ang mga sasakyang pandagat na huwag nang pumalaot at sumunod sa kautusan upang makaiwas na din sa anumang posibleng mangyaring sakuna.