-- Advertisements --
image 552

Sinunspendi na rin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang biyahe sa dagat ngayong araw, Agosto 29 para sa maliliit na barko sa probinsiya ng Batangas, Marinduque, Oriental Mindoro, Romblon, at northern Quezon dahil sa hindi magandang kondisyon sa karagatan dala ng bagyong Goring.

Nangangahulugan ito na lahat ng biyahe ng mga barko na may 250 gross tonnage o mas mababa pa gaya ng motorized passenger o fishing boats sa nasabing mga lugar kabilang na ang Polillo group of islands ay suspendido.

Tatanggalin lamang ang suspension order at posibleng ipagpatuloy ang biyahe sa dagat kapag gumanda na ang lagay ng panahon alinsunod sa deklarasyon ng state weather bureau.

Top