-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Naka-full alert ngayon ang Coast Guard District North Eastern Mindanaon (CGDNEM) bilang paghahanda sa posibleng pinsalang ihahatid ng bagyong Bising.

Napag-alamang kaagad na bumuo og Quick Response Team (QRT) ang CGDNEM, na inaasahang naka-antabay 24-oras upang matugunan at ma-aksyunan ang mga posibleng mga masasamang kaganapan sa susunod na mga oras.

Handa na rin ang mga mobility at floating assets sa lahat ng Coast Guard Stations at Sub-stations sa buong rehiyon ng Caraga.

Patuloy din ang koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya para sa karagdaggang nga impormasyon at aksyon at mapagsikapan ang seguridad ng mga residente na posibleng labis na ma-aapektuhan sa papalapit na bagyo.

Binabalaan din nito ang mga mangingisda na gumagamit ng maliliit na sasakyang pandagat na iwasan muna ang pumalaot dahil sa lumalakas na bagyo habang lumilipas ang mga oras.