-- Advertisements --
Pinayagan nang makabyahe ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilang stranded vessels sa mga pantalan.
Ayon kay PCG spokesman Commodore Armand Balilo, nag-deploy sila ng kabuuang 1,385 personnel para inspeksyonin ang 40 vessels a 11 motorbanca na nasa mga pier, bago sila pahintulutang makaalis.
Nakapagtala din ang PCG ng 394 outbound passengers at 188 inbound passengers sa iba pang pantalan sa bansa.
Karamihan sa mga stranded na byahero ay naitala sa Central Visayas.
Tiniyak naman ni Balilo na mahigpit pa rin ang maritime security, sa kabila ng nagdaang bagyo.
Kasabay nito, hindi rin isinasantabi ang minimum health protocols, bilang parte ng paglaban sa kumakalat na COVID-19 sa ating bansa.