-- Advertisements --
Magkakaroon ng kakapiranggot na bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy (DOE) na maglalaro mula P0.25 hanggang P0.70 ang bawas sa kada litro ng gasolina.
Aabot naman sa P0.30 hanggang P0.80 ang maaring ibawas sa kada litro ng diesel at ang kerosene ay asahan ang P0.50 hanggang P0.70 na bawas sa kada litro.
Itinuturing na ang dahilan ng bawas presyo ay dahil sa oversupply sa global markets.
Sa araw ng Lunes malalaman kung magkano ang bawas presyo na kadalasang ipinatupad sa araw ng Martes.