Pansamantalang sinsuspendi ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagbiyahe sa karagatan patungong Surigao del Norte at Dinagat islands.
Ito ay kasundo ng gale warning na inisyu ng state weather bureau nitong umaga ng Huwebes dahil sa malakas na gale-force winds dulot ng hanging amihan at trough ng low pressure area (LPA).
Kabilang sa mga pansamantalang sinuspendi ay ang pagbiyahe ng vessels at watercraft na may kargang 20 gross tonnages pababa na lumalayag sa Bucas Grande-Claver-Siargao sea route.
Gayundin suspendido ang biyahe ng mga barko na mayroong kargang 35 gross tonnages pababa na lumalayag mula Surigao City patungong Bucas Grande, Dinagat Islands, at Siargao Island.
Sa hiwalay na advisory, nag-abiso dina ng PCG station sa Dinagat islands na pansamantalang kinasela ang paglalayag ng vessels at watercraft na mayroong 350 tonnages pababa sa kanilang hurisdiksiyon.