-- Advertisements --
Nakiisa ang Philippine Coast Guard (PCG) District Central Visayas sa pagdiriwang ng Day of the Seafarers na kung saan itinampok ang achievements ng mga Pilipinong Marino sa buong mundo.
Naging katuwang ng PCG ang Cebu Port Authority at Cebu Maritime Group sa naturang programa para sa mga marinong Pilipino.
Sinimulan ang ibat-ibang aktibidad sa pagbibihis ng mga barko at sinundan naman ito ng sabay-sabay na pagpapatunog na busina ng mga barko.
Pagkatapos nito, sinimulan naman ang Fluvial Parade sa Cebu Port Pier 3 at 5.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng iba’t ibang ahensya, paaralan at stakeholders sa Maritime Industry kasama si Gob. Gwendolyn F. Garcia bilang Panauhing pandangal.