Nagpapatuloy pa rin hanggang sa ngayon ang isinasagawang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos ang pagkawala ng limang bata sa Taal Lake.
Sa inisyal na impormasyon mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Balete, ang limang bata raw ayon sa PCG ay mula sa Barangay Sto. Toribio sa Lipa City, Batangas.
Dalawa sa mga bata ay edad walo, isang pitong taong gulang, isang 10 taong gulang at 12-anyos ay bigla umanong nawala habang sila ay naliligo sa lawa.
Nagsagawa na rin ng surface searc sa karatig na lugar ang PCG kasama ang MDRRMO Balete at ng mga local officials.
Sinabi ng Coast Guard na nagpadala na rin daw ang mga ito ng dalawang divers mula sa PCG Special Operations Group-Southern Tagalog para magsagawa ng underwater search.