-- Advertisements --
Pinaigting pa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang search at rescue (SAR) operations sa General Santos City matapos tumama ang magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao nitong Lunes, Hunyo 8.
Kaugnay nito, nagdeploy ang PCG ng 150 responders at dalawang karagdagang search and rescue dogs para suportahan ang nagpapatuloy na response efforts ngayong Martes, Hunyo 9.
Ipinadala ang tatlong deployable response groups at dalawang SAR dogs sa gumuhong commercial building sa Barangay Calumpang para tumulong sa pagsalba sa mga posibleng na-trap na mga survivor.
Habang ang dalawa pang deployable response groups at Coast Guard High-Speed Response Boat ay idineploy sa Barangay Bawing para hanapin ang dalawang nawawalang indibidwal.
















