-- Advertisements --
image 486

Magdadala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga eksperto mula sa University of the Philippines Marine Science Institute (UP-MSI) sa susunod na underwatet survey para inspeksyunin ang sinira umano ng China na coral reefs sa Rozul (Iroquois) reef at Sabina (Escoda) shoal.

Sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Jay Tarriela na namonitor ng ahensiya ang 33 Chinese maritime militia vessles sa Rozul reef habang 15 iba pa ang namataan naman sa Sabina shoal.

Ito ang parehong mga lugar sa West Philippine Sea kung saan naobserbahan ng Armed Forces of the Philippines at ng National Security Council ang mga nasira, posibleng na-harvest na corals, pati na rin ang halos kawalan ng mga marine life forms sa lugar.

Kinumpirma naman base sa assessment ng PCG ang mga natuklasan ng dalawang ahensya.

Maliban sa Chinese maritime militia vessels, wala ng iba pang dayuhang barko ang namataan sa lugar sa nasabing period.

Ito ang dahilan kayat plano nilang magsagawa ng panibagong maritime patrol at underwater survey sa mga susunod na araw.