-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng Philippine Coast Guard ang pag-hack ng kanilang social media account.
Ayon kay PCG spokesperson Armand Balilio na nangyari ang insidente dakong 12:30 ng tanghali nitong Biyernes.
Ang mga hackers aniya ay nag-upload ng dalawang malalaswang short videos.
Nakipag-ugnayan na sila sa CCybercrime Investigation and Coordinating Center sa ilalim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para imbestigahan ang pangyayari.
Ito na ang pangatlong pagkakataon na napasok ng hackers ang social media account ng PCG.
Noong una ay sa Pebrero 26 ng nawalan sila ng access dito subalit kanilang nabawi ito noong Pebrero 29.
Haban ang kanilang X account o dating Twitter ay na-hack noong Pebrero 15.