-- Advertisements --
PHILIPPINE COAST GUARD (PCG)
PHILIPPINE COAST GUARD (PCG)

Hiniling ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga korte sa pamamagitan ng Department of Justice (DoJ) na mag-isyu ng hold departure order (HDO) laban sa mga crew ng Hong Kong-registered bulk carried MV Vienna Wood para dito nila harapin ang isinampang kaso laban sa kanila.

Sinabi ni Coast Guard Commandant Vice Admiral George Ursabia, Jr. na nais daw nilang nasa kustodiya ng mga otoridad ng bansa ang 20 Chinese crew members at huwag payagang makauwis a China matapos ang nangyaring pagkabangga ng fishing boat ng 14 na Pinoy fishermen sa Occidental, Mindoro.

Sa gitna na rin ito ng mga espekulasyon na posible raw mag-request ang Chinese government na palayain ang mga Chinese crew.

Siniguro ni Ursabia na hindi makikialam ang China sa naturang kaso. 

Noong Lunes nang magsampa ng kaso ang PCG sa isang prosecutor na reckless imprudence resulting in multiple homicide at damage to property labans a Chinese owners at crew ng Vienna Wood.

Kasama sa mga kinasuhan sina Zhang Weiwei from Shandong, China; Shin Bin from Henan, China; Yi Lei mula Jillen, China at Yang Xileng mula naman sa Shandong, China.