Nakahanda ang Philippine Coast Guard (PCG) na iskortan ang pinaplanong ikalawang civilian convoy sa Scarborough shoal ayon kay spokesperson Rear Admiral Armand Balilo.
Aniya, handa silang gawin ang lahat ng kailangan para sa seguridad at kaligtasan ng sasama sa convoy.
Sa ngayon inaantay pa nila na makipag-coordinate sa PCG ang mga organizer.
Nakatakda kasing magsagawa ang Atin Ito coalition ng panibagong caravan para sa mga mngingisda at military personnel sa Scarborough shoal sa Abril.
Matatandaan na noong nakalipas na taon, isinagawa ang kauna-unahang Christmas mission ng Atin Ito coalition na naging matagumpay matapos na malusutan ng isa sa resupply boat nito ang mga Chinese vessel at nakarating noong Disyembre 11 para magdala ng mga regalo sa mga sibilyan at non-military personnel at maritime features na matatagpuan sa western section ng exclusive economic zone ng bansa.